Ilang beses mo na bang narinig ang salitang pag-ibig? Ilang beses mo na bang naramdaman 'to? O di kaya, ilang beses ka na bang nasaktan dahil dito?
Mahigit tatlong taon na ang nakalipas nang maranasan kong muli kung paano umibig sa isang taong waring bumubuo ng pagkatao ko. Ang pagkakakilala naming dalawa ay sadyang pinakamasayang kabanata ng buhay ko. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, "Parang siya na nga...". Isa siyang fourth year Civil Engineering ng mga panahon na 'yun. May talento sa pagkakanta at paggigitara. Isang bokalista sa kanilang banda. Hindi ko alam kung sinadya ba talaga ang pagkikita namin pero nakita ko agad sa kanya ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Ideal guy kung baga. Pero 'yung salitang ideal sa akin ay napalitan ng salitang real. Para hindi pa pataasin ang kuwento, matapos ang isang buwan nang makilala ko siya, akalain mo ba naman na ang lalaking pinapangarap ko lang dati ay ang lalaking nagmamahal na sa akin. Sobrang saya ko nun! Tagos to the heart ang pana ni kupido! Ang mahigit tatlong taon na pagsasamahan ay napuno ng maraming ala-ala. 'Yung mga panahon na sobrang saya niyong dalawa, mga panahong nag-aaway dahil sa selos, mga panahong naghihiwalay dahil sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman at ang mga panahong nagkakabalikan din sa huli dahil alam niyong mahal na mahal niyo ang isa't-isa. Oo, halos ganyan ang takbo ng relasyon namin sa loob ng tatlumpung dalawang buwan ng aming pagsasamahan. Pero kahit pa naging parang roller coaster ang relasyon namin, wala 'yang binatbat sa pagmamahalin naming dalawa. Love conquers all ika nga nila diba? Masaya pa rin ako, masayang-masaya. Buong-buo ang pagkatao ko dahil sa kanya.
Pero tulad ng roller coaster, matatapos at matatapos rin 'yung kasiyahan mo sa pagsakay. Apat na buwan bago ang third anniversary namin, nag-iba ang takbo ng aming pagsasamahan. Mahirap isipin pero di ko pwedeng i-deny. Masasaktan at masasaktan din ako kung ipagpapatuloy ko pa dahil mahirap ipaglaban ang nasimulan kung mismo 'yung taong naging rason ng pagiging matatag ko sa pag-ibig ay ang taong unang bumigay. He gave up. Nu'ng una inakala ko pang 'di rin magtatagal at maayos din namin 'to. Pero lumipas ang ilang araw, linggo at buwan... Walang nagbago. Nawala nalang ng parang bula ang lahat. Naging tagos to the heart ang sakit na nararamdaman. 'Yung tipong ayaw mo nang magising dahil alam mong babalik at babalik pa rin 'yung paghihirap mo sa pag-move on. How can I forget the man who gave me a lot of memories to remember? Pero alam kong wala akong mararating kung ganito nalang ako parati. Naranasan ko na ito dati, ngayon pa ba ako susuko? Oo, kaya ko, kakayanin ko. Pero ang hindi ko inakala na mas sasaktan pa niya ako maliban sa kanyang pang-iiwan. Mas lalo akong nanlumo nang malaman ko nalang na nagkaroon agad siya ng bagong girlfriend. Aaminin ko, hindi ako nasaktan na nagkaroon siya ng bago, dun ako nasaktan na parang ang dali-dali lang sa kanya para palitan ako. Bumiyak ulit yung pusong pilit ko nang kinukumpuni. Matapos lang ng isang buwan ng hiwalayan, may bago kaagad? Nu'ng una ayaw kong maniwala dahil baka pinapaselos niya lang ako pero nu'ng siya na mismong nagsabi sa akin, hindi ko alam kung totoo ba talagang minahal niya ako dati. Hindi ko alam kung pampalipas lang ba ako ng oras at kung ayaw na ay bigla nalang iiwanan. Gulong-gulo ako sa mga panahong 'yun. Wari bang mas binibigyan pa niya ako ng rason para kamuhian ko siya dahil sa mga ginawa niya.
Pero kahit binagsakan na ako ng ilang pader pinilit ko pa ring bumangon. "You deserve someone better" sabi pa ng iba sa akin. Hinding-hindi ako susuko dahil lang sa isang lalaki. Alam ko sa simula mahirap pero alam ko rin na sa huli, everything will be worth it. OA man siya pakinggan pero kailangan kong kalimutan ang lahat-lahat na kumukonekta o namamagitan sa aming dalawa nang sa gayon mas madali mo ring kalimutan hindi lamang 'yung tao pero pati na rin 'yung sakit na binigay niya. Sa loob ng apat na buwan, unti-unti kong nairaos ang aking sarili. Naging masigla ulit ako. Mas naramdaman ko na maraming taong nagmamahal sa akin na mas karapat-dapat kong bigyan ng pansin. Unti-unti kong naintindihan ang mga nangyari dati. Mas naging optimistic na ako. Maaari ngang may dahilan kung bakit hindi kami nagtagal. Dahil sa bawat bagay na umaalis, may bagong darating. At sa bago na 'yun, mas mamahalin tayo ng totoo, mas aalagaan at pahahalagahan tayo ng mabuti. Ang inakala kong tapos na ay parang nagpatuloy ulit. Habang nagkakasiyahan kami ng mga kaibigan ko, hindi ko inaasahan na darating din siya. At dahil sa mga taong kasama ko nu'ng araw na 'yun ay kilala niya maliban sa isang lalaki na kaibigan ko rin, naisip niya kaagad na baka siya ang aking bagong boyfriend. Doon lumabas ang katotohanan. Nasaktan siya na halos magwala sa harapan ko dahil 'di raw niya matanggap na napunta na ako sa iba. Nasaktan siya na halos sinabihan na niya ako na gagawin niya ang lahat, iiwanan niya 'yung girlfriend niya para lang sa akin, magbabago na siya, at kahit ano pang mga salita na pakiramdam kong hindi na totoo. Aaminin kong hindi pa ako fully na nakapag-move on pero gugustuhin ko man na bumalik siya, takot na akong masaktan niya ako ulit. Parang naging laruan nalang kasi ako, iniwanan dahil ayaw na tapos babalikan lang kung kailan may gusto na naman. Ayun! Nakayanan kong umayaw! Pero ayun ulit, ang inakala kong tinapos ko na, magpapatuloy na naman.
Single na raw siya. Nag-two time raw sa kanya 'yung babae. Napasabi tuloy ako sa sarili ko, "Nakahanap ka rin ng katapat mo. Buti nga.". Hindi dahil sa natuwa ako sa kinahinatnan ng buhay niya pero dahil naranasan din niya kung gaano kasakit ang iwanan. Nawa'y matuto na nga siya sa kanyang mga mali matapos ang lahat na mga nangyari. At heto na naman siya, waring sumusuyo ulit. Oo na, hindi na ako magde-deny. Pinatulan ko rin 'yung trip niya. Hanggang dumating sa punto na ang inakala kong sasakyan ko lang na trip niya ay parang naging seryoso na. Bumalik kami sa dating gawi na parang naging friends with benefits ang nangyari sa aming dalawa. Parang kami pero wala lang commitment. 'Yun bang tinatawag nilang pseudo-relationship. Parang mas naging komportable nalang kami sa ganito. Hindi nakakasakal, walang away o pagtatalo pero ang problema, wala kang karapatan magselos o masaktan dahil 'yun nga. . . Kaibigan lang kayo. Akala ko okay na kami sa ganito, hindi pala. Lalo nu'ng nalaman kong may ibang babae rin siyang sinusuyo. Naramdaman kong parang namamangka na siya sa dalawang ilog kung saan ay sobrang unfair sa akin. Bumalik ang aking pagiging topakin. Hindi ko na dapat ginawa eh pero sinikap ko paring ipaglaban siya. Sinubukan kong ipaalam dun sa babae kung ano ang sitwasyon namin ng ex ko. Implied sa mga sinabi ko sa kanya na dumistansya muna siya. Pero parang ayaw niya. Dun ko naramdaman na maaaring minahal niya na rin yung ex ko. Hindi na ako nakipagdebate pa sa babae dahil dun pa lang sa ginawa ko, parang pinag-aagawan namin yung lalaking 'di naman karapat-dapat pag-agawan. Isa rin sa mga naging dahilan ko kung bakit ko siya pinagsabihan ay dahil hindi pa niya alam kung ano ang tunay na pagkatao ng lalaking 'yun. Dahil kahit sabihin pa ng ex ko na may nararamdaman siya para dun sa babae, sa huli't-huli, sa akin pa rin 'yan maghahabol. At ano na naman ang mangyayari? Mang-iiwan na naman siya ng babae para balikan ako? Hindi naman sa ibig sabihin na ganito ako ka-feeler pero, swear, may sira na yata talaga sa ulo 'yung ex ko.
Hindi naglaon at napag-isipan kong TAMA NA. Hindi ako mangangako pero sisikapin kong itigil na. As much as I love him and wanted him so badly, I need to let him go. Dahil kung ako ang mahal niya, ako ang ipaglalaban niya. Pero nu'ng iniwasan ko na siya, panay naman ang pagtawag at pagpapadala ng mga text messages sa akin. Ilang araw din niya ginawa 'yun. Hindi ko sinagot. Hindi ko pinansin. Hanggang sa tinanong niya ako, "Ayaw mo na?". Sasagot na sana ako ng, "Sa alin? Ang makipaglaro sa'yo?" pero hanggang sa isip ko lang sinabi 'yun. At para may official statement sa both parties, pinayagan ko nalang siyang makipagkita sa akin. Usap... usap... usap... Deal. Napag-desisyonan namin na lie-low muna kami. 'Yun bang real definition of what is friendship na dapat kami. Nang sa gayon, maayos muna namin ang mga sarili at kapag dumating man ang panahon na okay na ang lahat, let's see what will happen next agad ang drama. Dahil kung kami, KAMI TALAGA.
No comments:
Post a Comment