Ilang tao na ang dumating sa ating buhay. Pero hindi lahat sa kanila ang tumatagal. Hindi lahat sa kanila ang naging kaibigan. Hindi lahat sa kanila ang tumanggap sa tunay kong pagkatao. At mas lalong hindi lahat sa kanila ang nakakaunawa sa di maintindihan kong ugali. Oo, bibihira nga lang. At kung sino man yun sila, di ko kinalimutan kung gaano nila hinubog ang buhay ko. At di nagtagal, tinuring ko na rin sila bilang aking kapamilya.
CONOANS. Ang barkada ko na nanatili pa ring buo sa kabila ng paglipas ng panahon. Hayskul pa kami nagsimula at hanggang ngayon wala pa ring nagbabago maliban nalang siguro sa aming mga mukha. :D At sa kabila na rin ng ma-busy na buhay mag-aaral, naglaan kami ng oras para magkita-kitang muli. Kahit sa panandaliang oras lang, basta't nagkasama-sama kaming muli. Chika doon, chika dito. Kain dito, kain doon. Sobrang saya! Hinding hindi talaga malilimutan ang araw na yun. Sinariwa ang mga ala-ala nung hayskul. Nagkwentuhan sa mga kasalukuyang pangyayari sa buhay. Nag-tsismisan ng mga "you-know-thingy". Nagkantahan at nagbigayan ng mga regalo. Maraming ala-ala ang nalikha sa pagsasamahang yun. At sana, kahit lumipas man ang kahaba-habang panahon, WALA PA RING LIMUTAN SA BARKADA.
No comments:
Post a Comment