Bagong taon. Year of the Water Snake, sabi nila. Sagot ko sa sarili ko, "Eh ano ngayon?" Pasensya na. Wala lang talaga akong hilig sa mga Chinese beliefs. Dahil para sa akin, ako mismo ang magdadala ng sarili ko kung ano dapat ang magiging kinabukasan ko. "You create your own dreams and it is up to you to make these come true", ika nga nila. At dahil diyan, sa isang araw na desisyon, nagbago ang lahat sa akin.
Nasabi ko sa isang blog ko bago nito na may sadyang mga bagay sa mundo na kailangan nang tapusin. Hindi dahil ayaw na natin o takot tayo pero dahil 'yun ang mas mabuting paraan na magagawa natin. Pero tila nakain ko ang lahat na sinabi ko. Naging null and void yata lahat. Pero hindi ko naman pinagsisihan kung ano man ang kinahinatnan ng desisyon kong ito. Dahil naging masaya ako, eh ano ngayon kung anong iisipin ng iba?
Ilang tiis nalang sana n'un eh bibitaw na talaga sana ako. Sobrang sakit na at hindi na tama ang pahirapan pa ang sarili. Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Pinuntahan niya ako sa bahay isang gabi. Naisip ko kaagad, "Ayan na naman. Nami-miss na naman niya ako. Tapos babalik na naman kami sa wala." Pero n'ung pagkalabas ko ng bahay, bigla nalang niya ako niyakap ng mahigpit at sinabing bakit ang hirap ko raw limutin. Napatawa ako, "Nasabi mo lang 'yan dahil na-miss mo ako. Dahil iniiwasan na kita." Maya-maya, biglang nagbago ang tono ng pananalita niya hanggang sa inamin niyang gusto niyang ibalik ang aming pinagsamahan. Hindi ko maintindihan ang aking mga nararamdaman sa mga oras na iyon. Parang biglang sumaya na naguguluhan na naiinis na ewan. Tinitigan ko lang ang kanyang mga mata at biglang napaisip, siyam na buwan ang nakakaraan, ano na kaya kami ngayon kung hindi kami nag-break up n'un?
Binigyan ko siya ng mga kondisyon bago siya makipagbalikan sa akin. Isa na dun ang tapusin muna ang namamagitan sa kanila ng kaibigan niya. Sabihin niya dapat sa kanya kung ano 'yung naging desisyon niya para hindi na siya umasa pa. "Kung hindi mo kayang tapusin, 'wag ka nang makipagkita sa akin. Simpleng usapan lang." Kaya't kinabukasan, kinausap niya agad at nagkaayos din. Nasabi niya sa akin kung gaano nasaktan 'yung babae. Alam ko, dahil babae rin ako. Pero dapat hindi siya umasa lalo na't kaibigan pa lang sila. 'Yun 'yung dahilan ko kung bakit ko tinext ang babae. Para ipaalam sa kanya na huwag magpadalos-dalos dahil may topak ang ex ko at hindi pa nakakamove-on. Ngunit tila ayaw niyang makinig at sa halip, naisip pa siguro niyang napaka-bitter ko dahil hindi ko matanggap na nakikipag-fling sa kanya ang ex ko. Nakow! Kay tagal-tagal ko nang natanggap sa sarili ko ang pagkakaroon niya ng ibang babae kahit hindi pa rin niya ako kayang bitawan. Ayan tuloy, nakapagbitaw ang babaeng 'yun ng mga salitang nagpapahiwatig na wala nang matinong mga lalaki sa mundo. Pero teka, tanong ko lang, paano mo naman nasabi 'yan eh nasubukan mo na ba lahat ng mga lalaki sa mundo? Tiyak na magagalit si Ginoong Ramon Bautista niyan. HAHA! Siya pa naman ang pumupukaw sa mga utak ng mga lalaki kung paano maging mga mabubuting maginoo para sa mga kababaihan.
Balik sa punto ng pinag-uusapan. Ayan na. Nagkabalikan na kami. N'ung una medyo nag-aadjust pa pero kinalaunan, naayos din sa kabila ng ibang mga bagay na hindi na kaya pang ibalik. Hindi na kaya pang ibalik dahil nalipasan na. Dahil naging parte na siya ng nakaraan. Dahil... Siguro... Hanggang doon na lang ang mga bagay na iyon at hindi na maibabalik pa sa kasalukuyan. Aaminin ko na mahirap iwanan ang mga bagay na 'yun lalo na't hinahanap-hanap ko pa rin paminsan-minsan, umaasa na baka bukas, sa susunod na araw o balang araw, babalik din ang mga iyon na sana'y mas magpapatatag ng aming pagsasamahan kahit alam kong hindi ito panghabangbuhay. ###
Balik sa punto ng pinag-uusapan. Ayan na. Nagkabalikan na kami. N'ung una medyo nag-aadjust pa pero kinalaunan, naayos din sa kabila ng ibang mga bagay na hindi na kaya pang ibalik. Hindi na kaya pang ibalik dahil nalipasan na. Dahil naging parte na siya ng nakaraan. Dahil... Siguro... Hanggang doon na lang ang mga bagay na iyon at hindi na maibabalik pa sa kasalukuyan. Aaminin ko na mahirap iwanan ang mga bagay na 'yun lalo na't hinahanap-hanap ko pa rin paminsan-minsan, umaasa na baka bukas, sa susunod na araw o balang araw, babalik din ang mga iyon na sana'y mas magpapatatag ng aming pagsasamahan kahit alam kong hindi ito panghabangbuhay. ###